Ano ang SAITAMA DOKEN
Ano ang SAITAMA DOKEN (Unyon ng Manggagawa sa Konstruksyon sa Saitama)
◆4,600 JPY ang butaw sa unyon bawa’t buwan Bilang karagdagan sa nabanggit na halaga sa itaas, ang bawat sangay ay nangongolekta ng mga bayarin sa pagpapanatili ng tanggapan hanggang sa 400 yen bawat buwan. ◆Maraming proteksyon para sa mga di-inaasahang pangyayari tulad ng sakit at pagtigil sa trabaho dahil nasugatan!
Makakatanggap ng suportang pinansyal kapag tumigil sa trabaho dahil nagkasakit o nasugatan. Sa partikular, ang pagbibigay ng benepisyo habang nagpapagaling ng sakit sa bahay ay natatangi sa sistema ng unyon ng manggagawa para sa konstruksyon, at wala sa pribadong insurance. Marami ding mga sistema ng pagbibigay ng regalong pinansyal bilang pagbati sa masasayang pangyayari tulad ng kasal, pagsilang ng anak, at pagtatapos ng pag-aaral atbp.! Maraming ring kaakit-akit na benepisyo para sa mga kabataang kasamahan!Mayroon ka bang problema sa iyong pagsasanay (training) sa konstruksyon?
Makikinig ang SAITAMA DOKEN sa iyong problema sa pinagtatrabahuhan, sasamahan kang mag-isip upang masolusyonan ito, at magiging kakampi mo kami.- ○May problema ka ba dahil biglaan kang sinabihan ng iyong kumpanya na “Hindi na maitutuloy ang iyong training” o “Mangyaring lumipat ka sa kumpanyang nagsasagawa ng training sa agrikultura”?
- ○May problema ka ba dahil natigil ang konstruksyon sa iyong pinagtatrabahuhang lugar? Pinapagawa ba sa iyo ang ibang trabahong hindi akma sa training para sa konstruksyon?
- ○Nangyari ba sa iyo ito? Hindi ko natanggap ang sahod ko. Nakaranas ako ng karahasan. Tinanggal ako sa trabaho. Nasugatan ako, ngunit walang binayad na kompensasyon sa akin.
- ○Biglaan akong pinaalis sa trabaho nang walang dahilan.
Susuportahan namin ang iyong kalusugan
◆Ang insurance premium ay 14,500 JPY
Nakakabagabag kapag na-ospital o natigil sa pagtatrabaho nang dahil sa sakit. Mayroong sistema ang DOKEN KOKUHO (National Health Insurance para sa Konstruksyon) upang suportahan ka sa oras ng kagipitan.Kapag na-ospital
◆Ibabalik ang binayad sa pagpapagamot kapag na-ospital ◆Sistema para mabawasan ang bayarin sa ospital
Kapag tumigil sa pagtatrabaho nang dahil sa sugat o sakit
◆Makakatanggap ng hanggang 180 araw ng benepisyo kapag may sakit o kapansanan
Para sa mga detalye, mangyaring tingnan ang website ng SAITAMA DOKEN KOKUHO |
Benepisyo na 5,000 JPY para sa bawa’t araw na na-ospital
Maraming ding kaakit-akit na benepisyo para sa mga kasamahang foreign trainees! Maaaring makatanggap ng benepisyo mula sa susunod na buwan matapos maging miyembro ng unyon
Kapag bago kang miyembro, maaari kang makatanggap ng benepisyo mula sa susunod na buwan ng pagsali (buwan na naging kwalipikado bilang opisyal na miyembro ng unyon). Gayunpaman, hindi kasama rito ang mga sakit o kapansanang dinadala bago pa naging miyembro, at mga “kronikong karamdaman” (na itinakda ng unyon) na lumabas sa loob ng 6 na buwan mula naging miyembro.Ukol sa SOGO KYOSAI Rebisyon ng ika-1 ng Hunyo, 2020
Klasipikasyon ng Benepisyo | Nilalaman ng Benepisyo | Halaga ng Bayad ng Benepisyo | ||
---|---|---|---|---|
Tipo A | ||||
Benepisyo Kapag Nagkasakit | Pagpapaospital | 5,000 JPY bawa’t araw | “Hanggang 180 araw ng benepisyo Pagkatapos ng 5 taon dagdag na 60 araw” | |
Pagpapatingin sa Ospital/Pagpapagaling sa Bahay | 2,500 JPY bawa’t araw | |||
Benepisyo para sa Sugat/ Partikular na Sakit o Pinsala | Pagpapaospital | 2,000 JPY bawa’t araw | “Hanggang 180 araw ng benepisyo Pagkatapos ng 5 taon dagdag na 60 araw” | |
Aktuwal na Pagpapatingin sa Ospital | 2,000 JPY bawa’t araw | |||
Benepisyo para sa Sakit o Sugat na Nakuha sa Trabaho | Pagpapaospital | 1,000 JPY bawa’t araw | “Hanggang 150 araw ng benepisyo Pagkatapos ng 5 taon dagdag na 60 araw” | |
Aktuwal na Pagpapatingin sa Ospital | 1,000 JPY bawa’t araw | |||
Benepisyo para sa Aksidente Habang Ginagawa ang Aktibidad ng Unyon (Pagpapaospital/Pagpapatingin sa Ospital/Pagpapagaling sa Bahay) | Mismong Miyembro ng Unyon | Pagpapaospital | 3,000 JPY bawa’t araw | |
Pagpapatingin sa Ospital/Pagpapagaling sa Bahay | 2,500 JPY bawa’t araw | |||
Bilang ng Araw ng Benepisyo | Mula sa unang araw hanggang 180 araw | |||
Benepisyo para sa Aksidente Habang Ginagawa ang Aktibidad ng Unyon (Pagkamatay) | Mismong Miyembro ng Unyon | Pagkamatay o Pagkabaldado | 3,000,000 JPY | |
Kapansanan (Antas 1-14) | 40,000 – 3,000,000 JPY | |||
Abuloy para sa Pagkamatay | Mismong Miyembro ng Unyon | Sakit/Nagpakamatay | 1,000,000 JPY + alay | |
Aksidente | 2,000,000 JPY + alay | |||
Asawa | Asawa ng mismong miyembro ng unyon | 50,000 JPY + alay | ||
Pamilya | Kamag-anak sa dugo o sa asawa na kasama sa bahay Pagkamatay ng ama o ina o ng biyenang lalaki o babae na nakatira sa ibang bahay | 10,000 JPY | ||
Malubhang Kapansanan ng Miyembro | Kapag nagkaroon ang miyembro ng unyon ng malubhang kapansanan na itinuturing na katumbas ng pagkamatay dulot ng sakit (Antas 1-2 at 2.3.4 ng Antas 3) | 1,000,000 JPY | ||
Kamag-anak sa dugo o sa asawa na kasama sa bahay Pagkamatay ng ama o ina o ng biyenang lalaki o babae na nakatira sa ibang bahay | 2,000,000 JPY | |||
Benepisyo para sa Kapansanan | Kapag nagkaroon ang miyembro ng unyon ng kapansanang pisikal na direktang dulot ng di-inaasahang aksidente o impeksyon | 40,000 – 900,000 JPY | ||
Regalong Pinansyal para sa Kasal | Kapag legal na nagpakasal ang miyembro ng unyon | 30,000 JPY | ||
Regalong Pinansyal para sa Panganganak | Kapag may isinilang na anak sa pagitan ng miyembro ng unyon at ng kanyang asawa | 20,000 JPY | ||
Regalong Pinansyal para sa Pagpasok sa Paaralan | Kapag pumasok sa paaralang elementarya ang anak ng miyembro ng unyon | 10,000 JPY | ||
Kapag pumasok sa junior high school ang anak ng miyembro ng unyon | Souvenir na regalong may halagang humigit-kumulang 5,000 JPY | |||
Regalong Pinansyal para sa Pagtatapos ng Junior High School | Kapag nagtapos ng junior high school ang anak ng miyembro ng unyon | |||
Regalong Pinansyal para sa Pagtuntong sa Hustong Gulang | Kapag sumapit sa 20 taong gulang ang miyembro ng unyon | 20,000 JPY | ||
Tulong pinansyal para sa pagsumite ng aplikasyon para sa mga pinsala atbp. na nauugnay sa trabaho at sakit gaya ng pneumoconiosis at sakit dulot ng paglanghap ng alikabok o asbestos | Kapag nagsumite ang miyembro ng unyon ng aplikasyon ayon sa Ishiwata Kenko Higai Kyusai Seido (Sistema ng Tulong Pangkalusugan para sa Pinsalang Dulot ng Asbestos) para sa mga sakit gaya ng pneumoconiosis at sakit na nauugnay sa paglanghap ng alikabok o asbestos | 50,000 JPY | ||
Regalong Pinansyal para sa Pagkuha ng Kwalipikasyon-Premium | Kapag inaral at tinapos ng miyembro ng unyon ang espesyal na edukasyon/ teknikal na pagsasanay sa Saitama Doken Gijutsu Kenshu Center o sa institusyon na itinalaga ng Saitama Doken Gijutsu Kenshu Center | Buong halaga ng matrikula | ||
Regalong Pinansyal sa Pagkuha ng Kwalipikasyon-Special | Kapag inaral at tinapos ng miyembro ng unyon ang edukasyon ukol sa pag-iwas sa aksidente/pagiging tagapamahala ng operasyon sa Saitama Doken Gijutsu Kenshu Center o sa institusyon na itinalaga ng Saitama Doken Gijutsu Kenshu Center | Humigit-kumulang sa kalahati ng halaga ng matrikula | ||
Regalong Pinansyal sa Pagkuha ng Kwalipikasyon-Classic | Kapag nakuha ng miyembro ng unyon ang kwalipikasyon na itinalaga ng unyon | 20,000 JPY | ||
Tulong Pinansyal para sa Sakuna sa Bahay | Pagkasunog ng buong bahay | 70% o higit pa ang pinsala | 150,000 JPY | |
Pagkasunog ng kalahati ng bahay | 20% o higit pa ang pinsala | 75,000 JPY | ||
Pagkasunog sa parte ng bahay | Mas mababa sa 20% ang pinsala | 30,000 JPY |
Sistema ng Bayad sa Pagreretiro para sa mga Manggagawa na nasa Konstruksyon KENSETUGYOU TAISHOKUKIN SEIDO(KENTAIKYO)
◆Naaakma lamang ito para sa manggagawang nasa lugar ng konstruksyon ◆Huwang mag-atubiling magtanong ukol sa KENTAIKYO
Gumawa ng KENTAIKYO TECHOU!!
Ano ang KENTAIKYO Ang Kentaikyo ay sistema ng bayad sa pagreretiro na nilikha ng gobyerno para sa mga nagtatrabaho sa industriya ng konstruksyon. Sa sistemang ito, ang kumpanyang kinontrata para sa mga proyektong pampubliko ay magdidikit ng sertipikadong selyo sa TECHOU para sa bawa’t araw na nagtrabaho (1 araw=320 JPY). Makakatanggap ng bayad sa pagreretiro ayon sa bilang ng selyo. 3% ang yield sa pamumuhunan. Paano magpadikit ng sertipikadong selyo sa pinagtatrabahuhan Hihilingin ito sa kumpanyang kinontra para sa mga proyektong pampubliko sa pamamagitan ng may-ari ng kumpanya. Dumarami din ang mga kumpanyang nagdidikit ng sertipikadong selyo kahit sa mga pribadong konstruksyon kung hihilingin ito.“Bilang ng taon ng pagbayad ng installment (bilang ng buwan)” | Halaga ng bayad sa pagreretiro |
---|---|
2 taon (24 buwan) | 161,280 JPY |
5 taon (60 buwan) | 414,087 JPY |
Malaking kompensasyon sa murang halaga para sa mga miyembro ng unyon Insurance para sa Bisikleta ng SAITAMA DOKEN SAIKURUN
◆Tipong pang-personal Premium sa 1 taon: 2,930 JPY
Kapag nagkaroon ka ng aksidente sa bisikleta sa loob ng Japan (kompensasyon sa pagkasugat)
Mismong Miyembro ng Unyon | ||
---|---|---|
Halaga ng Insurance | Pagkamatay/Naiwang Kapansanan | 3,700,000 JPY |
Benepisyo sa bawa’t araw na nakapasok sa ospital | 5,000 JPY | |
Benepisyo sa bawa’t araw na nagpapatingin sa ospital | 1,500 JPY |
Halaga ng Insurance
Halaga ng Insurance | Personal na Bayad-Pinsala | 300,000,000 JPY <kasama ang pag-aareglo sa labas ng hukuman (para sa loob lamang ng Japan)> |
---|
◆Makakapili ng Iba’t Ibang Tipo ng Kompensasyon [Tipo para sa Bayad-Pinsala] Premium sa 1 taon: makakapili rin nito2,150 JPY
※kasama dito ang 400 JPY para sa gastusin sa pananatili ng sistema◆Paano kumuha nito
Para maging bagong miyembro ng insurance o para palitan ang tipo ng iyong insurance, mangyaring isumite sa opisina ng aming branch ang application form, premium, at application form para sa direct debit sa bangko (para sa susunod na piskal na taon).Maraming magagandang benepisyo para sa lahat mula bata hanggang matanda DOKEN CARD
◆Mapapakinabangan!
◆Para sa Libangan!
◆Para sa Bahay-Tuluyan!
◆Para sa Sports!
Para sa may smartphone o tablet▶ |